Civil Service Eligibility hindi na gagamitin ni Pangulong Duterte sa pagtatalaga ng mga kawani sa gobyerno
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya titignan ang Civil SErvice Eligibility ng mga aplikante sa anomang posisyon sa gobyerno.
Ayon sa pangulo kahit hindi Civil Service Eligible ang isang aplikante ay itatalaga niya sa puwesto sa pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Duterte ang pangunahing hanap niyang kuwalipikado ay isang taong tapat at hindi corrupt.
Nilinaw ng pangulo na hindi niya manamaliit ang mga civil service eligible.
Iginiit ng pangulo na aanhin niya ang kawani ng pamahalaan na civil service eligible kung corrupt naman.
Marami ngopisyal at kawani ng pamahalaan ang sinibak ng pangulo dahil sa isyu ng corruption.
Ulat ni Vic Somintac