Mga bumabatikos sa Martial Law extension, hinamong magtungo sa Mindanao

Hinamon ng mga Senador ang mga grupo at mga kritiko na bumabatikos sa Martial Law extension na magtungo sa Mindanao.

Aayon kay Senate President Vicente Sotto, ito’y para personal na makita ng mga kritiko ng administrasyon ang tunay na estado at ang epekto ng mga nangyaring bakbakan dulot ng pananamantala ng mga terorista.

Iginiit naman ni Senador Sherwin Gatchalian na malaking puwersa pa rin ang 23 grupo o 600 rebelde at terorista na sumusuporta sa grupong ISIS.

Bbatay sa intelligence informating ng militar, ang mga grupong ito aniya ang may pakana ng mga naganap na pambobomba sa ilang bahagi ng Mindanao kahit pa may umiiral na Martial Law.

Kailangan aniya ang mas malaking pwersa ng mga pulis at sundalo sa mindanao dahil sa patuloy na banta ng mga dayuhang terorista at separatist groups na gustong magtatag ng Wilayah sa Mindanao.

Kung tuluyan aniyang mapupulbos ang mga bandido, magiging maayos ang simula ng Bangsamoro region sa Rehiyon.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *