Lalaking most wanted sa Japan, arestado ng Bureau of Immigration sa Maynila
Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Tokyo Interpol at Bureau of Immigration sa Maynila ang lalaking most wanted sa Japan.
Kinilala ang pugante na si Misao Koyama, singkwentay-nuebe anyos na naaresto sa isang lugar sa kahabaan ng Gil Puyat sa Maynila.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ipapadeport pabalik ng Japan si Koyama para harapin ang mga kaso laban dito dahil sa pagpapasalpika ng mga dokumento para ibenta ang mga lupain ng ibang tao nang walang permiso ng mga ito.
Nabatid na si Koyama ay lider ng isang sindikato sa Japan na inaakusahan ng pagbebenta ng lupa ng ibang tao gamit ang mga pinekeng land deals.
Hiningi ng Japanese government ang tulong ng BI sa pagtunton at pagdeport kay Koyama dahil sa warrant of arrest laban dito para sa kasong fraud.
Umaabot sa bilyun-bilyong Yen ang nakulimbat nina Koyama sa mga biktima nila sa Japan.
Ulat ni Moira Encina