Exercise, ikinukunsidera na ngayong isang paraan ng paggamot – ayon sa DOH
Ugaliing mag ehersisyo, paglaanan ng oras ang pag-e-ehersisyo, gawin ito ng regular…ito ang madalas na marinig na ipinapayo ng mga eksperto upang mapangalagaan ang kalusugan.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang ehersisyo ay hindi na lamang feel good activity o kaya naman ay para mabawasan ang timbang at mapanatili ang magandang hubog ng katawan.
Ito ngayon ay kinikilala nang isang uri ng paggamot sa mga taong may diabetes, hypertensive at may mataas na cholesterol level.
Sabi pa ng DOH, nararapat na ilagay sa isip na kailangang mag ehersisyo at pumili naman ng ehersisyong angkol sa kundisyon ng katawan.
Malalaman ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa isang eksperto.
Samantala, sa mga pag-aaral, sinasabing kapag regular na nag e ehersisyo ang isang tao, bumababa ang tsansa na makaranas siya ng stress.
Bukod dito, mababawasan din ang panganib na ma-stroke, dapuan ng sakit sa puso at cancer.
Nakapag- i-stimulate ng brain chemicals ang 30 minutong pag-e-exercise kada araw.
Ang regular na pag-e-exercise ay makapagpapaganda ng mood…nakapagpapaganda ng daloy o sirkulasyon ng dugo…na nagiging dahilan upang maging young looking… dahil….mapapabilis daw ang pag-produce ng collagen ng katawan na siyang responsable sa pagkakaroon ng mas bata at makinis na kutis.
Kaya naman, panawagan ng DOH sa publiko, huwag kalimutan ang mag ehersisyo upang ang nararamdamang sakit sa katawan ay maagapan, mahadlangan at malunasan.
Ulat ni Belle Surara