Mga dinadapuan ng lifestyle diseases, pabata ng pabata – ayon sa DOH
tinaguriang lifestyle diseases ang diabetes at sakit sa puso.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakababahala na ang mga dinadapuan ng mga nasabing sakit ay pabata na ng pabata.
Kaya naman pinapayuhan ng DOH, ang mga magulang na sikapin daw sana na bata pa lang ang kanilang mga anak ay maturuan na ng tamang pagkain, maiwasan ang tatlong “S” ….ito ang Salty o pagkaing maaalat…Sweet o pagkaing matatamis at Sebo o mamantikang mga pagkain.
Bukod dito, dapat din daw na sanayin ang mga bata sa pagkain ng gulay at pag inom ng tubig sa halip na soft drrinks o anumang sweetened beverages at higit sa lahat, dapat na turuan ang bata na kumilos, at mag ehersisyo.
Sabi ng isang eksperto, galaw galaw upang hindi pumanaw.
Ulat ni Belle Surara