Mishandled meat,  maaari umanong magdulot  ng  iba’t ibang sakit ayon sa eksperto

 

Nagpapatuloy pa rin ang paalala ng mga eksperto sa publiko sa pagbili ng karne.

Ayon kay Dr. Ana Marie Cabel, City Veterinarian ng Quezon City, laganap pa rin sa pamilihan ang mga tinaguriang mishandled meat.

Ito ay nangangahulungang hindi  tama  ang pag-iimbak at pagsalansan sa mga ito.

Paliwanag ni Cabel,  ang frozen meat ay dapat na nasa chiller lang… kapag daw ito ay  inilabas  chiller, malaki ang posibilidad na ito ay magkaroon ng kontaminasyon.

Binigyang-diin ni Cabel na   madaling malaman  kung ang karne ay nabibilang sa  mishandled meat.

Kailangan daw na obserbahan kung ito ay  matubig o malangis, malamig, at may mabahong amoy kumpara sa sariwang karne na mamula-mula at walang amoy.

Dagdag pa ni Cabel, kapag nakakain ng mishandled meat ang isang tao, maaaring makaranas ng pananakit ng tiyan at vomitting.

Huwag itong ipagwalang bahala  at kailangan umanong dalhin agad sa pinakamalapit na ospital o health facility ang pasyente upang agad na maagapan ang nararamdaman.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *