Mga dadapuan ng trangkaso lalo pa umanong tataas ..magtatagal pa hanggang Marso – ayon sa DOH
Mas tataaas pa umano ang bilang ng mga taong maaaring dapuan ng trangkaso at ito ay tatagal pa hanggang Marso.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang trangkaso o flu ay isang viral illness, , taun-taon ay may ibang strain ang maaaring dumadapo sa tao.
Kabilang sa sintomas ng trangkaso ay lagnat, kung minsan daw ay walang lagnat, sipon, ubo, pananakit ng lalamunan, matinding ginaw at karaniwan ay walang ganang kumain ang dinapuan ng naturang sakit.
Maaaring umabot ang trangkaso ng isang linggo o mahigit pa kung mahina ang resistensya ng pasyente.
Sabi pa ng doh, wala din daw na antibiotic na dapat inumin ng isang may trangkaso, maliban na lang daw na may malalang ubo, ngunit kailangan pa rin na ikunsulta sa duktor kung nais na uminom ng antibiotic.
Dapat ding obserbahan ang pasyenteng may trangkaso dahil kung siya ay nanghihina na….. kailangan na daw itong dalhin sa ospital upang malapatan ng angkop ng lunas.
Payo pa ng DOH, upang hindi mahawa ang kasama sa bahay sa pasyenteng may trangkaso, maghugas ng kamay o mag-alcohol, at magsuot ng mask, bilang preventive measures.
Binigyang diin pa ng DOH na mas mapanganib ang trangkaso sa mga senior citizen at mga bata lalo na at masabayan ito ng bacterial infection kung kaya mainam din na magpa-flu vaccine ang mga nabanggit.
Ulat ni Belle Surara