Senado, magsasagawa na ng Marathon hearing para talakayin ang 2019 Budget

Aarangkada na ngayong araw ang marathon session ng Senado para paspasan ang pagpapatibay sa panukalang 2019 National Budget.

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri napagkasunduan sa ipinatawag na caucus kanina na madaliin na ang pagtalakay sa proposed 3 trillion National Budget.

Target aniya nilang matapos ngayong linggo ang pagtalakay sa pondo ng may sampu pang ahensya ng gobyerno.

Kabilang pa sa mga nakahanay na pagdebatehan sa plenaryo ang budget ng Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of National Defense at Department of Health.

Wala naman aniya silang nakikitang problema o kontrobersyal maliban sa pondo ng DPWH dahil sa isyu ng pork barrel.

Kung matatapos ngayong linggo maaaring maisalang na sa Bicameral conference committee ang panukalang  pondo at malagdaan ng pangulo bago matapos ang Enero.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *