Atty. Larry Gadon, hiniling sa Comelec na atasan ang mga survey firms na itigil ang paglalabas ng mga Election survey results
Naghain ng petisyon sa Comelec si senatorial candidate Atty Lorenzo ‘Larry’ Gadon laban sa mga election survey results na inilalabas ng SWS at Pulse Asia.
Sa kanyang 10 pahinang petisyon, hiniling ni Gadon sa Comelec na atasan ang dalawang survey firms na itigil ang paglalathala ng mga survey results kaugnay sa 2019 elections.
Nais ni Gadon na ipatigil ito ng poll body mula sa simula ng campaign period sa Pebrero 12 hanggang sa araw ng halalan sa Mayo.
Tinawag ni Gadon na bogus ang resulta ng mga election surveys ng SWS at Pulse Asia.
Layunin anya talaga ng mga nasabing surveys partikular sa labanan sa pagka-senador na i-mislead o i-mind condition ang mga botante.
Kwestyonable anya ang kredibilidad ng survey results dahil ang bilang ng respondents ay nasa mahigit 1000 lamang habang nasa mahigit 50 milyon ang mga rehistradong botante.
Ulat ni Moira Encina