Fire square roadshow ng BFP isinagawa sa Calbayog City, Samar
Isang fire square roadshow ng Bureau of Fire and Protection o BFP ang isinagawa sa Calbayog City Western Samar.
Ito ay dinaluhan nina City Mayor Ronaldo Aquino, CINSP. Romeo Jaca – Provincial Fire Marshall, Insp. Walter Magbutay City Fire Marshal at Regional Director Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong maituro ang cardiopulmonary resuscitation o CPR , bandaging, fire fighting, fire house, knot tying, rapepelling, collapse structure at static display o mga rescue equiptments.
Mahigit sa 300 daan ang dumalo sa nasabing aktibidad mula sa iba’t ibang paaralan at barangay.
Samantala, hangad ng BFP na iwasan at masugpo ang pinsala na sanhi ng sunog, pag imbistiga na sanhi nito at ipatupad ang fire code,kaugnay na batas, pagresponde sa anumang sakuna at emergency man-made o natural disasters man ito.
Ulat ni Miriam Timan