Mga guro at estudyanteng Lumad, hiniling sa Korte Suprema na ipatigil ang muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao

Dumulog na rin sa Korte Suprema ang mga guro at estudyanteng Lumad para kwestyunin ang ikatlong extension ng batas militar sa Mindanao.

Sa kanilang petisyon, hiniling nina Rius Valle, Jhosa Mae Palomo, Jeany Rose Hayahay, at Rorelyn Madacawan sa Supreme Court na agad itong magpalabas ng TRO para ipahinto ang implementasyon ng martial law extension.

Nais din ng mga Lumad na rebyuhin ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang factual basis sa muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao at pagkatapos nito ay ideklarang labag sa Saligang Batas ang extension.

Ipinapatigil din nila sa Korte Suprema ang militarisasyon sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga lumad schools.

Ayon sa mga petitioners, magreresulta sa mas maraming insidente ng red-tagging, intimidasyon at harassment sa mga lumad schools ang muling pagpapalawig ng martial law sa rehiyon.

Giit ng mga guro at estudyante na ilan lang sila sa mga apektado ng mas tuminding militarisasyon dahil sa martial law extension.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *