Parusa laban sa mga sindikatong gumagamit ng mga bata mas pabibigatin sa isinusulong na sa minimum age of criminal responsibility
Tiniyak ng Senado na mas pabibigatin pa ang parusa laban sa mga sindikato o indibidwal na nag uudyok o gumagamit sa mga kabataan para gunawa ng krimen.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nakapaloob ito ss isinusulong na amyenda sa juvenile justice and welfare act kung saan ibaba pa ang edad ng mga batang maaring kasuhan.
Pumalag rin si Sotto sa mga batikos na maaring makulong ang mga bata sa murang edad
Paglilinaw ng Senador, oras na maamyendahan ang batas ilalagay sila sa bahay pag-asa habang nahaharap sa kaso at huhubugin ito hanggang sa ganap na malaman na ang kanilang responsibilidad sa lipunan.
Subalit iginiit ni Sotto na iba naman usapin kung ang bata ay nahaharap sa heinous crime tulad ng rape, homicide o murder na unang2 ide-detaned sa bahay pag-asa at pagdating ng tamang edad ay kailangan nang harapin ang kanilang kaso.
Ulat ni Meanne Corvera