DOJ nagsumite na sa Malacañang ng rekomendasyon nito kaugnay sa panukalang ibaba ang edad ng kriminal na pananagutan ng mga bata

Isinumite na ng DOJ sa Malacañang ang posisyon nito sa panukalang ibaba ang edad ng kriminal na pananagutan ng mga kabataan.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang rekomendasyon ay kanilang ginawa kasunod ng kahilingan ng Office of the President.

Sinabi ng kalihim na noong 2016 ay inihayag na ng DOJ ang nais nito na ibaba ang edad ng criminal responsibility ng mga kabataan.

Anya noong panahon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay ipinanukala na ibaba ito sa 13 taong gulang.

Hahayaan na lamang muna ng DOJ ang Palasyo na pag-aaralan ang kasalukuyang rekomendasyon ng kagawaran sa isyu at ang pag-aanunsyo nito sa publiko.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *