Pagpaparami ng produksyon ng mga Galunggong, pinag-uusapan sa National Galunggong summit ngayong araw
Isinasagawa ngayong araw ang kauna-unahang national galunggong summit.
Sa pamamagitan ng temang “Produksyon ng Galunggong na isda ng masa, Paunlarin gamit ang siyensya, pinangungunahan ito ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kasama ang mga pangunahing miyembro n Fisheries supply chain, Fisherfolk representatives, concerned national government agencies, LGU’s, non-government organizations at ilang mga science experts.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, malaking isyu ngayon ang galunggong kaya kailangang pag-usapan kung paano mapangangalagaan ang mga galunggong lalu na’t ito ay itinuturing na pangunahing pagkain ng masa at pagkain din ng malalaking isda gaya ng tuna.
Ilan sa mga tinatalakay ay ang fish habitat at kung paano mare-rehabilitate ang ating municipal waters at paano mas gagawing produktibo ang produksyon ng mga isdang GG.
BFAR Dir. Ed Gongona:
“60 percent lang ngayon ang mine-maintan natin na produksyon ng mga isdang GG at dine-develop natin ang aquaculture so kailangan nating trabahuhin pa yun. Yung 8 percent deficit in 2 to 3 years, maaari tayong maging fish sufficient, in 2023 projection namin eh 2 percent surpassed na tayo at pag nag-invest ang Pilipinas kasama ang sektor ng pangisdaan ng 36 billion pesos in 5 years, ay ang produksyon niya ay 78 billion in 5 years also”.