Mga motorista dapat magkaroon lahat ng drivers’ education upang maiwasan ang pagiging pasaway sa kalye – MMDA

Isa sa mga dahilan ng mga aksidente sa motor ay kulang sa drivers education sa private vehicle operation kaya hindi alintana ang galaw ng mga kotse.

Kapareho din umano ito sa mga nagpapatakbo ng pribadong sasakyan na hindi naman nagmo-motor ay wala rin silang alam sa movements ng mga motorsiklo.

Sa panayam kay MMDA Special Operations Tasf Force Col. Bong Nebrija, napaka-importante ang drivers’ education para sa lahat ng mga motorista upang pare-pareho na masunod ang mga panuntunan ng batas trapiko.

Aniya, marami sa mga motorista ang hindi alam maski ang mga road signs.

It may take a long time pero sa pagsasanay na yan, hulihin mo sila pag ayaw sumunod, hulihin mo pa rin. Siguro naman pag pangatlo at pang-apat, masasanay na rin ang mga yan”.

Matatandaang sinimulan nang ipatupad ng MMDA noong nakalipas na linggo ang Bus Segregation policy sa southbound lane ng EDSA na layong mabawasan ang bigat ng trapiko.

At sa pagpapatupad ng nasabing polisiya, aminado si Nebrija na marami pa silang pagdadanang mga mahilig makipag-argumento at mga pasaway sa kalye.

Marami pa rin ang nakikipag-argumento sa amin eh, yung mga P2P buses pag sinita, alam mo bang Bus ka? alam mo bang hindi ka dapat dito sa lane na ito eh bakit andito ka? sagot “eh trapik po eh”. Yung pagiging barumbado mo eh yan ang nagko-cause ng traffic eh”.

 

===================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *