Senado tiniyak na walang deadlock sa 2019 national budget
Tiniyak ng liderato ng senado na walang mangyayaring deadlock sa panukalang budget para sa 2019.
Sa harap ito ng nabunyag na insertion ng senado na mas malaki pa umano sa ginawa ng kamara.
Pero ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, wala nang gagawing post enactment interventions at tiniyak na susundin nila ang 2013 ruling ng Supreme Court sa isyu ng Priority Development Assistane Fund.
Magiging transparent rin aniya ang pagtalakay ng bicameral conference committee sa panukalang budget.
Katunayan, nagkasundo aniya ang senado at kamara na i-itemize ang budget line by line na inaasahang mapagtitibay bago mag adjourn sa February 8.
Ulat ni Meanne Corvera