Mga grupo ng mga magsasaka umalma sa mga panukalang itaas pa ang buwis sa sigarilyo

Umaapila ang tobacco farmers sa mga senador na huwag ipasa ang panukalang batas na muling magtataas ng excise tax sa mga tobacco products.

Nagtungo sa senado ang mga tobcco farmers mula sa Pangasinan at Negros para umapila sa mga senador na tignan rin ang kanilang sitwasyon.

Ayon kay Salvador Tugarino, tobacco farmer mula sa pangasinan, mamamatay ang kanilang pamilya kapag dinagdagan na naman ng gobyerno ang buwis sa tobacco products.

Sa pagtatanim na lamang aniya ng tabacco sila umaasa para mapakain ang kanilang pamilya at mapag-aral ang mga anak dahil hindi maaring dumepende sa gulay o iba pang agricultural crops dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo nito sa merkado.

Hindi sila ang dapat pag-initan ng gobyerno at iginiit na marami pang buwis na maaring pagkunan ng pondo para sa pagsasabatas ng universal health care.

Sa ngayon dinidinig na ng senate committee on ways and means ang panukalang batas na layong itaas mula 69 hanggang 90 pesos ang pesyo ng kada pakete ng sigarilyo .

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *