Panibagong Dengvaxia case isinampa sa DOJ; Pagdinig sa ikatlong batch ng reklamo, umarangkada
Nadagdagan pa ang bilang ng reklamong kriminal na inihain ng Public Attorneys Office sa DOJ kaugnay sa Dengvaxia controversy.
Ito na ang ika-32 na kaso na isinampa laban sa mga nasa likod ng anti-dengue immunization program.
Ang reklamo ay inihain nina Gerardo at Marissa de Luna mula sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng PAO dahil sa pagkamatay ng 12 taong gulang na anak nilang si Zarah Mae noong November 2017 matapos bakunahan ng Dengvaxia.
Pangunahin sa kinasuhan sina dating Health Secretary Janette Garin at mga opisyal ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.
Kasama rin sa kinasuhan ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.
Mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, mga paglabag sa Anti-Torture law at Consumer act.
Samantala, itinuloy ang pagdinig ng DOJ sa ikatlong batch ng Dengvaxia complaints na binubuo ng 13 kaso.
Sa pagdinig, pinanumpaan ng ilan pang mga complainant ang kanilang kaso.
Nagsumite rin ng kontra-salaysay ang ilan sa mga respondents.
Ipagpapatuloy ang preliminary investigation sa Pebrero 21.
Sinabayan naman ng rally ng pamilya ng mga Dengvaxia victims sa labas ng DOJ ang pagdinig.
Ulat ni Moira Encina