Pagtataas sa buwis sa alak isinulong na rin sa senado
Isinusulong na rin ni Senador Manny Pacquiao ang panukalang batas na itaas ang buwis sa mga alcoholic products.
Ayon kay Pacquaio, mas mabuting itaas ng gobyerno ang buwis sa alak sa halip na buwisan ang presyo ng mga pangunahing bilihin na maari pang magdulot ng infalltion.
Ikinukunsidera ni Pacquio ang panukala ng Department of Finance na alisin na ang magkakaibang buwis sa mga alak sa halip magpatupad ng 40 pesos na buwis sa kada litro ng alcoholic products.
Sa pamamagitan aniya nito makakalikom ng sapat na pondo ang gobyerno para tustusan ang mga proyekto ng administrasyon.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: