Pagdaragdag ng puwersa ng militar sa Mindanao para tugisin ang mga suspek sa Jolo bombing, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte

Nakatakdang magpadala ng karagdagang puwersa sa Mindanao ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng twin bombing sa Jolo Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng naging kautusan nitong pulbusin ang mga teroristang grupo sa lugar partikular na ang Abu Sayyaf group.

Sinabi pa ng commander-in-chief asahan na rin ang mas maraming military offensives para hagilapin at puksain ang mga kalaban ng estado.

Kumbinsido si Pangulong Duterte na Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral dahil ito lang umano ang may malakas na presensiya sa lugar.

Kinumpirma din ng Pangulo na batay sa mga ibinigay na impormasyon sa kanya mula sa Intelligence community ng gobyerno isang kaso ng suicide bombing ang nangyari sa Jolo.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *