Manila Bay, imposibleng malinis ng gobyerno dahil sa mahigit 3.5 milyong pamilyang walang comfort rooms
Mahihirapan umano ang Inter-agency Task Force ng gobyerno na linisin ang Manila Bay.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Environment, hindi lang naman basura kundi waste water ang matinding problema sa Manila bay mula sa malalaking mga establishments.
14 percent lang aniya sa mga ito ang diretso sa sewer lines kaya diretso rin ang kanilang tubig sa dagat.
Lumilitaw rin aniya sa imbestigasyon ng Senado na umaabot sa 3.5 milyong mga residente at mga informal settlers na nakapaligid sa Manila bay ang walang comfort room kaya diretso rin sa dagat ang kanilang mga dumi.
May proyekto na aniya ang Department of Health (DOH) para sa instalasyon ng mga comfort rooms pero tanging sa Baseco pa lamang naipatupad ang programa.
Ulat ni Meanne Corvera