Isang abogado sinuspinde ng Korte Suprema dahil sa mga pagbabantang kakasuhan si dating Presidential spokesman Harry Roque

Pinatawan ng Korte Suprema ng dalawang taong suspensyon ang isang abogado dahil sa mga pagbabanta na kakasuhan ang nakalaban nitong abogado na si dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa pitong pahinang desisyon, napatunayan ng Korte Suprema na guilty si Atty. Rizal P. Balbin ng mga paglabag sa Code of Professional Responsibility dahil sa “underhanded tactics” nito laban kay Roque.

Binalaan din ng Supreme Court si Balbin na papatawan ito ng mas mabigat na parusa kapag naulit ang mga kaparehong insidente.

Ang kaso laban kay Balbin ay nag-ugat sa reklamong inihain ni Roque noon pang 2006.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Roque na matapos na maipanalo nito ang kaso laban sa kliyente ni Balbin ay nagpadala ito ng mga text messages at ilang beses tumawag at nagpadala ng email hindi lang sa kanya kundi sa mga kaibigan at kliyente ni Roque na nagbabanta na sasampahan niya ito ng disbarment at mga kasong kriminal.

Nagbanta rin anya ang abogado na ipa-publicize nito ang mga kaso laban kay Roque dahil sa kanyang high-profile status.

Ayon sa SC, sa ilalim ng Canon 8 ng CPR ay dapat tratuhin ng abogado ng may paggalang at dignidad ang ibang mga abogado at opposing counsels.

Nilabag din anila ni Balbin ang Canon 19 at Rule 19.01 na nagsasabing hindi dapat bantaan ng mga abogado na kakasuhan ng walang batayan ang mga kapwa nito abogado.

 

Ulat ni Moira Encina   

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *