Malakanyang, handang magprotesta laban sa China sa pinakabagong hakbang ng China sa South China sea
Nakahandang maghain ng diplomatic protest ang Malakanyang kapag taliwas sa layunin ng China ang aksyon nito kaugnay ng umanoy itinayo nitong maritime rescue center sa South China Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo hindi minamasa ng Malakanyang ang sinasabing pagtatayo ng China ng tinatawag nilang maritime rescue center sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Panelo kung sakaling totoo ang impormasyon dapat itong ipagpasalamat ng lahat ng mga bansang nakapaligid sa South China Sea kasi pakikinabangan ito sa panahon ng emergency.
Inihayag ni Panelo na dapat ay ipinag paalam muna ng China sa gobyerno ng Pilipinas ang kanilang pagtatayo ng maritime rescue center sa lugar.
Niliwanag ni Panelo na binibigyan niya ng benefit of the doubt ang China.
Iginiit ni Panelo na ibang usapan kapag hindi tinupad ng China ang layunin ng kanilang pagtatayo ng maritime rescue center na tulungan ang mga mangingisdang nangangailangan ng ayuda sa hindi inaasahang sitwasyon.
Binigyang diin ni Panelo kapag taliwas dito ang aksyon ng China gagawin ng gobyerno ng Pilipinas ang nararapat para ito ituwid sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest.
Sa huli ipinasa ni Panelo kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang nararapat na disposisyon sa isyung ito.
Ulat ni Vic Somintac