Kaso ng 5 suspek sa twin bombing sa Jolo, Sulu, submitted for resolution na
Idineklara nang submitted for resolution ng piskalya ang mga reklamong isinampa laban sa limang suspek sa pambobomba sa Jolo, Sulu.
Ito ay matapos i-terminate ng Sulu Provincial Prosecutor’s Office ang inquest proceedings laban sa mga suspek na sina:
1) Mukammar L. Pae/Kammah L. Pae alyas Kammah
2) Albaji K. Gadjali alyas Apah Albaji/Awag
3) Radjan B. Gadjali alyas Rajan
4) Kaisar B. Gadjali alyas Isal
At
5) Said Alih alyas Papong.
Ang lima ay sinampahan ng Sulu Police Provincial Office ng multiple murder, multiple frustrated murder and damage to property.
Samantala, nananatiling at-large o pinaghahanap pa ng mga otoridad ang pitong iba pang suspek at ilan pang John Does at Jane Does.
Ulat ni Moira Encina