Panukala na nag oobliga sa mga sasakyan para dumistansya sa mga bisikleta o motorsiklo sa kalsada lusot na sa Kamara

Pinal ng pinagtibay sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang nagtatakda ng minimum na distansya ng mga sasakyan kapag nag-o-overtake sa bisikleta o motorsiklo na nasa kalye.

Sa botong 178 na pabor at walang pagtutol, aprubado na ang House Bill 8911 o Minimum Overtaking of Cyclists Act na nag-oobliga sa mga motorista na panatilihin ang distansyang isa’t-kalahating metro kapag nag-o-overtake sa mga siklista o motor rider.

Inaatasan din sa panukala ang Department of Transportation-Land Transportation Office, Philippine Information Agency, Department of Education, Metropolitan Manila Development Authority, Department of the Interior and Local Government, at Philippine National Police na pangunahan ang anim na buwang nationwide campaign hinggil rito.

Layon ng panukala na matiyak na ligtas ang lansangan para sa mga siklista, motor rider at pedestrian at magkaroon ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at disiplina sa lahat ng road users.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *