Pangulong Duterte hinimok na i veto ang pork barrel insertions sa 2019 budget
Hinimok ni Senador Ping Lacosn si Pangulong Rodrigo Duterte na i veto ang pork barrel insertions ng mga mambabatas na nakapaloob sa 3.7 trillion 2019 national budget.
Sinabi ni Lacson na nagpakita na ng kaniyang strong political will ang pangulo sa maraming pagkakataon at dapat gamitin ito sa pamamagitan ng pagtatanggal ng pork barrel.
Nauna nang ibinunyag ni lacson na umaabot sa 48 billion ang pork o discretionary funds ng mga kongresista sa pambansang budget bukod pa sa 23 billion sa mga senador dahilan kaya nauwi na sa deadlock ang pagtalakay sa budget
Ayon naman kay Senador Loren Legarda, chairman ng senate committee on finance pinaplanta na ang gusot at muling mag uusap ang bicam panel bukas para isapinal ang report at maisalang sa ratipikasyon sa Biyernes.
Pero ang problema hangang bukas na lamang magsasagawa ng sesyon ang dalawang kapulungan kaya malabong maratikahan ito sa Biyernes.
Nagpatawag na ng all members caucus ang senado bukas para pag usapan ang isyu.
Ulat ni Meanne Corvera