Pagdinig ng Senate Comm on Ways and meanssa panukalang itaas ang buwis sa mga alcohol products
Susubukang ihabol ng senado ang panukalang batas na itaas na rin ang buwis sa mga alcoholic products.
Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng senate committee on ways and means, ang panukala ay isa sa mga priority measure ng adminsitrasyon para makakalap ng sapat na pondo para tustusan ang universal healht care bill.
Bagamat gahol sa panahon dahil sa papalapit na pangangampanya, maari pa rin naman aniyang matalakay ang panukala pagbabalik ng sesyon sa huling linggo ng mayo bago mag adjourn ang 17th congress.
Hindi pa masabi ni Angara kung magkano ang ipapataw na increase sa mga alcolholic products.
Pero kung susundan aniya ang presentasyon ng Department of Finance, sa pagdinig kanina, 4o pesos ang maaring ipataw sa kada litro ng mga produktong nakalalasing.
Sa computatoons ng DOF, aabot sa 40 billion pesos ang karagdagang makokolekta ng gobyerno sakaling maaprubahan ang panukala.
Ulat ni Meanne Corvera