Bilang ng mga namatay sa tigdas, umakyat na sa 70 katao
Umaabot na sa 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa.
Pitumpu (70) naman ang kumpirmadong namatay.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo batay ito sa latest report ng Department of Health (DOH).
Aminado si Domingo na sa nakalipas na lima hanggang sampung taon ay hindi naaabot ng pamahalaan ang 90 percent target nito sa immunization program.
Nasa 70 – 80 percent lamang umano nang target nilang bilang ng kabataan ang nababakunahan.
===============
Please follow and like us: