Naratipikang Bicameral report ng National Budget hindi pa rin nakararating kay Pangulong Duterte
Inaasahang sa 2nd quarter ngayong taon pa lang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget.
Ayon kay Budget Secetary Benjamin Diokno sa ngayon ay hindi pa nakakarating ang kopya ng bicameral conference committee report sa 2019 national budget sa Office of the President.
Sinabi ni Diokno iniinprenta palang at matatagalan ito dahil inabot ng higit limang libong pahinga ito.
Inihayag ni Diokno March 1 nakatakdang matanggap ng Office of the Budget Secretary ang bicam report.
Pitong araw matapos makuha ito ay saka palang maglalabas ang Department of Budget and Management ng statement of difference sa kung ano ang iniba ng Kongreso sa inisyal na budget proposal na ipinasa ng Pangulo noong kanyang State of the Nation Address.
Iisa-isahin ng DBM ang kada linya sa budget para mabigyan ng kaukulang rekomendasyon si Pangulong Duterte kung may kailangan i-veto sa budget.
Mayroon namang 30 araw si Pangulong Duterte o hanggang Abril para pirmahan ang pambansang pondo.
Dahil 2nd quarter pa inaasahan ang budget niliwanag ni Diokno kailangan pagtiisan muna ang paggamit ng reenacted budget sa unang quarter ng taon kung saan wala munang masimulan na mga bagong proyekto at hinid pa maibigay ang mga dagdag suweldo sa mga kawani ng gobyerno.
Ulat ni Vic Somintac