Supreme Court, ibinasura ang Quo Warranto petition ni Ely Pamatong laban kay Pangulong Duterte

 

Ibinasura ng Korte Suprema ang Quo Warranto petition na inihain ni Ely Pamatong laban sa kandidatura at pag-upo sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pitong pahinang resolusyon ng Supreme Court en banc, sinabi na walang legal standing si Pamatong para magsulong ng Quo Warranto.

Paliwanag ng Korte Suprema, sa ilalim ng Rules of Court, ang gobyerno lamang ang maaring maghain ng Quo Warranto petition.

Bukod dito, tinukoy ng Supreme Court na isang nuisance candidate si Pamatong dahil diniskwalipika ng Comelec ang inihain nitong certificate of candidacy para sa pagka-pangulo noong 2016 elections.

Ayon pa sa Kataas-taasang Hukuman, nagpaso na ang panahon ng paghahain ng quo warranto petition dahil sa lagpas na ang isang taon mula nang manungkulan si Duterte bilang Pangulo.

Sa petisyon ni Pamatong, iginiit nito na dapat ideklara ng Korte Suprema na hindi kwalipikado si Duterte na tumakbo bilang presidente dahil depektibo ang kanyang COC.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *