Makati RTC hinatulang guilty ang Mexican national na miyembro ng Sinaloan drug cartel

Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng korte sa Makati City ang Mexican national na miyembro ng Sinaloan drug cartel dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Sa pitong pahinang desisyon ni Makati RTC Branch 63 Acting Presiding Judge Selma Palacio Alaras, napatunayan na guilty beyond reasonable doubt si Horacio Hernandez Herrera sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o sale of dangerous drugs.

Bukod sa parusang lifetime imprisonment, pinagmumulta din ng korte si Herrera ng kalahating milyong piso hanggang 10 milyong piso.

Ayon kay Judge Alaras, napatunayan ng prosekusyon ang transaksyon ng bentahan ng iligal na droga sa naganap na buy-bust operation.

Ito ay matapos maiprisinta ng prosekusyon bilang ebidensya ang mga nasabing droga.

Bukod dito, sinabi ng hukom na napanatili ang integridad at evidentiary value ng mga nakumpiskang droga.

Ang Sinaloan Mexiacan drug cartel ay isa sa mga itinuturing na pinakamalaking sindikato ng drug trafficking sa mundo na sangkot sa pagpapalaganap ng suplay ng shabu, ecstasy at cocaine sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Si Herrera ay naaresto sa isang drug buy-bust operation noong Enero 2015 kung saan nahulihan ito ng mahigit dalawang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng 12 million pesos.

Kaugnay nito, ikinagalak ng DOJ ang hatol na guilty ng korte laban kay Herrera at binati ang mga piskal na humawak sa kaso.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *