Chinese embassy hindi makikialam sa kaso ng tsinong nagtapon ng taho sa isang pulis

 

Dumistansya ang Embahada ng China sa kinakaharap na kaso  ng kanilang kababayan na nagtapon  ng taho sa isang pulis.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo,nakausap niya si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua  at sinabi umano nitong  hindi nila kinukunsinti ang ginawa  ng kanilang kababayan na si Jiale  Zhang  sa pulis na taga-Mandaluyong City .

Nabanggit din anya ni Ambassador Zhao, hindi lahat ng Chinese ay katulad ng inasal ng inarestong Chinese student.

Ayon kay Panelo, hahayaan ng Chinese Embassy na harapin  ng estudyanteng Chinese ang  nagawa nitong paglabag sa batas lalo pa nga’t maraming Pinoy ang nagalit sa ginawa ng kanilang kababayan.

Ang Chinese student  ay nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigation at nakakulong sa Camp Bagong Diwa para sumailalim sa Deportation proceedings.

 

==================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *