National Arts month opening sa Luzon, idinaos sa Bagac, Bataan

Idinaos sa bagac, bataan ang pagbubukas ng Pambansang Buwan ng mga Sining (National Arts month), Luzon chapter.

Ang festive opening ay pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na tinawag na “Tao po/Tagpo” kung saan tampok ang mga mural paintings, printmaking workshop, film showing at cultural performances mula sa iba’t-ibang arts group.

Ayon kay Fatima Manalili, Bellas Artes Projects Executive Director, tampok sa festivity ang mga natatanging local artists at performers sa lalawigan na may angking talento sa pagkanta, sayaw, teatro at visual arts.

Perpektong lugar aniya ang bayan ng Bagac para sa paglulunsad ng selebrasyon dahil ang bayan na ito ay isang komunidad ng umuunlad at umuusbong na historical at tourist destination ng bansa.

Ngayong 2019, inilunsad ng NCCA ang National Arts month ngayong Pebrero sa temang “Ani ng Sining”.

Nauna nang inilunsad ang National Arts month sa Binondo para sa NCR chapter, Bago City sa Visayas at Koronadal City para sa Mindanao.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *