Mga Senador, kinondena ang pag-aresto kay Maria Ressa
Kinondena ng mga Senador ang ginawang pagpapaaresto laban kay Rappler Maria Ressa.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, isa itong malinaw na panghaharass laban sa mga miyembro ng media.
Paglabag rin aniya ito sa umiiral na demokrasya.
Naniniwala si Pangilinan na inuunti-unti at dinadahan-dahan ng gobyerno ang bawat institusyong maaaring tumindig laban sa pang-aabuso at kapangyarihan.
Senador Kiko Pangilinan:
“Inuunti-unti at dinadahan-dahan ang bawat institusyong maaaring tumindig laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Kailangang palagan ito— pawat pulgada, bawat hakbang na may nangyayaring ganito, kailangan nating magsalita, magbuklod, sabihin sa mga nasa poder: Hindi kami papayag, at hindi nag-iisa si Maria. Kailangan nating gumuhit at sabihing nasa panig tayo ng katotohanan at katarungan. Nasa panig tayo ng malayang pamamahayag”.
Hinimok naman ni Senador Antonio Trillanes ang publiko ipaglaban sa press freedom lalo na sa mga sumisira sa demokrasya.
Ulat ni Meanne Corvera