Pagbasura sa Rice Tariffication law, hihilingin sa Korte Suprema
Magpapasaklolo sa Korte Suprema ang mga empleyado ng National Food Authority (NFA), grupo ng magsasaka, millers, retailers at iba pang stakeholders para ibasura ang Rice Tarrification law.
Ayon kay Maximo Torda, Presidente ng NFA Employees Association-Central office, maghahain sila ng petisyon sa Supreme Court para maibasura ang nasabing batas.
Pag-aaralan din nila ang pagsasampa ng kaso sa Korte sa oras na tanggalin sa trabaho ang mga empleyado ng ahensya.
Aniya, hindi man lang kinunsulta ang kanilang hanay at iba pang stakeholders sa pagbuo ng nasabing batas.
Ulat ni Eden Santos
Please follow and like us: