Malakanyang, hindi pabor na alisan ng Scholarship ang mga Iskolar ng Bayan na sumasama sa mga anti-Government rally

Hindi sapat na batayan ang pagsama sa anti -government rally ng mga estudyanteng Iskolar ng bayan para alisan ng scholarship benefits ang mga ito.

Ito ang sagot ng Malakanyang sa panukala ni National Youth Commission o NYC Chairman Ronald Cardema na tanggalan ng scholarship benefits ang mga eskolar ng bayan na sumasama sa anti government rally.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagsama sa mga anti-government rally ng mga estudyante ng mga State Universities and Colleges ay ginagarantiyan Saligang Batas sa ilalim ng freedom of expression and assembly.

Ayon kay Panelo maging si Pangulong Rodrigo Duterte na isang abogado ay hindi kontra sa malayang pagtitipon at paghahayag ng saloobin.

Inihayag ni Panelo ibang usapin kung ang isang scholar ng bayan  ay may ebidensiya na sangkot siya sa planong pagpapabagsak sa pamahalaan at paglabag sa Revised Penal Code tulad Inciting to Sedition o Rebellion.

Binigyang-diin ni Panelo na karapatan ng gobyerno na alisan ng scholarship ang mga eskolar ng bayan na lumalaban sa pamahalaan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *