Batas na babago sa ranggo ng PNP, pinirmahan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas para baguhin ang rank classification sa PNP at naglalatag ng standard kung paano na tatawagin ang mga police officers.

Batay sa bagong batas ang dating Police Director General ay tatawagin ng Police General; ang Deptuy Director General ay magiging Police Lieutenant General; ang Police Director ay Police Major General; habang ang Chief Superintendent ay tatawaging Police Brigadier General; ang Senior Superintendent ay magiging Police Colonel; ang Superintendent ay Police Lieutenant Colonel.

Ang kasalukuyang Chief Inspector ay tatawagin ng Police Major; ang Senior Inspector ay Police Captain; habang ang Inspector ay magiging Police Lieutenant na. Samantala, ang SPO4 ay magiging Police Executive Master Sergeant; ang SPO3 naman ay magiging Police Chief Master Sergeant; ang SPO2 ay Police Senior Master Sergeant; habang ang SPO1 ay tatawagin ng Police Master Sergeant.

Ang kasalukuyang PO3 naman ay magiging Police Staff Sergeant; ang PO2 ay Police Corporal; at ang PO1 ngayon ay magiging Patrolman/Patrolwoman.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *