Mga piskal pinaalalahanan ng DOJ na huwag lumahok sa mga partisan political activities at electioneering kaugnay sa halalan sa Mayo
Sa Department Circular Number 001 na may lagda ni Guevarra, sinabi ng kalihim na ipinagbabawal mismo sa ilalim ng 1987 Constitution na lumahok sa alinmang partisan political activities at electioneering ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Nagbabala si Guevarra na hindi nila palalagpasin at papatawan ng katampatang parusa ang mga piskal na lalabag dito.
Magsisilbing Provincial, District, City at Municipal Boards of Canvassers ang mga miyembro ng National Prosecution Service.
Ang mga ito ang magka-canvass ng mga boto na natanggap ng bawat kandidato at magpu-proklama ng mga nanalo.
Sinabi pa ni DOJ spokesperson at Undersecretary Markk Perete na napakasensitibo at mahalaga ang gampanin ng mga piskal sa halalan kaya marapat na paalalahanan ang mga ito ni Guevarra laban sa pakikihalo sa politika upang matiyak na malaya at patas ang eleksyon.