Jeepney terminals, ipinagbawal na sa Tandang Sora avenue kasunod ng flyover closure
Kasunod ng pagsasara ng Tandang Sora flyover at intersection, ipinagbawal na din ang paglalagay ng mga terminal sa tabi ng kalsada at kanto ng Tandang Sora avenue at Commonwealth avenue sa Quezon city.
Kinausap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga jeepney drivers na alisin ang mga nakaparadang jeep sa kalsada upang hindi magkaroon ng build up ng sasakyan sa lugar.
Bagamat sumunod, nanibago naman ang mga drivers sa bagong pununtunang ipinatutupad.
Ang ilang mga pasahero naman ay nahirapan din sa pagsakay dahil bagong sistema.
Batay sa advice ng MMDA, ang mga sasakyan na galing sa Katipunan avenue ay dapat kumanan sa Commonwealth avenue (Fairview bound) at mag-u-turn malapit sa home depot at muling kakanan sa Tandang Sora avenue.
Ang mga magmumula naman sa Tandang Sora ay kailangang kumanan sa Commonwealth…mag u-turn malapit sa Microtel at muling kakanan sa Katipunan.
Plano din ng kinauukulan na mabuksan ang ilang gates ng subdivision malapit sa apektadong lugar ng posibleng traffic para sa mga alternatibong ruta.
Sa ikatlong linggo ng Marso, itinakda ang ang paggiba sa Tandang Sora flyover.
Ulat ni Earlo Bringas