Ilang Senador tutol na isapubliko ang Narcolist bago ang eleksyon sa Mayo

Hindi pabor ang ilang Senador sa plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na isapubliko ang narcolist o listahan ng mga pulitiko na umano’y sangkot sa operasyon ng iligal na droga bago ang eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Senador Richard Gordon, paglabag sa karapatan ng mga pulitiko ang gagawin ng DILG lalo na sa kanilang rights to due process.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na unfair na ilabas ang ganitong listahan dahil walang sapat na ebidensya.

Inirekoemda ni Lacson na sa halip na ilabas dapat muna itong gamitin ng dilg para  sa kanilang intelligence gathering  at masampahan ng kaso ang mga government officials na dawit sa illegal drugs.

Malaking kahihiyan aniya ang gagawin ng DILG kung may papangalanan pero walang ebidensya laban sa mga ito.

Inihalimbawa ni lacson ang kaso ni Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., na pinangalan ni Pangulong Duterte bilang protektor umano ng sinidkato noong 2016 pero nag-sorry ang Pangulo matapos maptunayang walang ebidensya laban dito.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *