Mga kandidatong kasama sa Narcolist hindi umano maaaring pigilan ng Comelec na kumandidato sa eleksyon

Wala umanong kapangyarihan ang Commission on Elections na harangin ang kandidatura ng isang kandidato na mapapabilang sa Narcolist o mga opisyal ng gobyerno na dawit at protektor umano ng iligal na droga.

Ayon kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel, hindi legal ground o hindi kinikilala ng korte ang narcolist bilang batayan para ma disqualify.

Mananatili aniyang inosente ang mga ito maliban na lamang kung idedeklarang guilty ng korte.

Kinastigo naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga opisyal ng DILG at iginiit na kung talagang may ebidensya dapat kasuhan na ang mga opisyal para tuluyang masibak at mapatalsik sa puwesto.

Kahit aniya pagbawalang mangampanya ang mga kandidatong nasa Narcolist, may sapat na pondo ang mga ito para matiyak ang kanilang panalo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *