Pagkain ng mani makatutulong sa mga diabetic upang maiwasan ang sakit sa puso
Lumabas sa mga bagong pag-aaral na maiiwasan umano ng isang diabetic na magkaroon ng sakit sa puso kung palakain ng mani.
Nalathala sa American Heart Association Journal na ang pagkain ng lahat ng uri ng mani, kahit na kaunti, ay nakabubuti sa puso.
Kabilang sa mga uri ng mani ay walnut, almond, brazil nut, cashew, pistachio, pecan, macadamia, hazelnut, pine nut at maging ang peanut.
Wala namang lumabas na report sa pag aaral na may koneksyon ang pagkain ng mani sa posibleng pagkakaroon ng stroke o pagkamatay dahil sa cancer.
Bukod dito, sinasabi pa sa pag aaral na nakatutulong ng malaki ang pagkain ng mani upang makontrol ang pagtaas ng blood sugar , blood pressure, metabolism of fats, inflammation at blood vessel wall function.
Ulat ni Belle Surara