Sapat na suplay ng kuryente ngayong tag-init at El Niño, tiniyak

Hindi magkakaroon ng problema sa kuryente ang bansa ngayong panahon ng tag-init at tagtuyot.

Ito ang tiniyak ni Director Mario Marasigan ng Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB) sa harap ng banta ng El Niño.

Ayon kay Marasigan,  sapat ang suplay ng kuryente kahit pa mabawasan ang suplay na nagmumula sa mga hydropower na inaasahang maaapektuhan ng tagtuyot.

Base sa ating pag-aaral hindi kalakihan ang epekto ng pagkabawas ng hydropower generation natin para sa ating pangangailangan even at the height of summer months ng taong ito. May mga papasok naplanta na pwedeng magpuno sa kakulangan ng hydropower generations at mayroon kaming contingency plan gaya ng additional potential source na manggagaling sa iba pang mga planta sa Visayas na pwedeng pumasok kung kinakailangan”.-

Pero kahit sapat aniya ang suplay ng kuryente, asahan pa rin ang mataas na singil ng kuryente na epekto ng mainit na panahon.

Apila ni Marasigan sa publiko, magtipid sa kuryente.

Alam naman natin na kapag summer, tumataas ang konsumo ng ating mga binibigyan ng serbisyo, hindi sa dahil tumaas ang presyo ng kuryente kundi lumaki ang konsumo. sana ay magtipid ng kuryente ang mga consumers”.

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *