2019 National Budget namimiligrong hindi malagdaan ng Pangulo

Namimiligrong tuluyan nang hindi malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 3.7 trillion National Budget.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito’y dahil sa mga ginawang amyenda ng Kamara sa pambansang budget kahit pa naratipikahan na ito ng dalawang Kapulungan.

Kinumpirma ni Sotto na nagkaroon ng dagdag-bawas sa budget partikular na ang pondong inilaan sa distrito ng ilang Kongresista.

Nakataggap rin siya ng reklamo mula kina Congressman Ceriles at Daza matapos bawasan ang kanilang pondo.

Nangyari umano ang dagdag-bawas sa budget sa mismong tanggapan pa ni House Speaker Gloria Arroyo .

Ayon kay Sotto umabot sa 79 bilyong piso ang nailipat na pondo.

Itinanggi naman ng Senador ang paratang ng Kamara na may ginawa silang insertion o may binago sa detalye ng budget pagkatapos itong maratipikahan ng dalawang kapulungan noong Pebrero.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *