Coliform level sa Manila Bay, bumaba pa
Patuloy na bumababa ang fecal coliform level sa Manila Bay.
Ito ang inihayag ni Environment Secretary Roy Cimatu kasunod ng mga rehabilitation efforts ng gobyerno para maisalba ang Manila Bay.
Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi nf kalihim na nakatulong ng malaki ang pagpapasara sa ilang mga establisimiyento malapit sa Manila Bay at ang Manila Zoo.
Ayon kay Cimatu, sa pinakahuling laboratory analysis, sa area ng Padre Faura, ang dating 54 Million Most Probable Number o MPN na fecal coliform level ay bumaba na sa 8.3 million MPN.
Habang ang dating 1.33 billion Most Probable Number sa area ng Antonio de Abad ay nasa 130 million MPN na lang.
Sa area naman ng Remedios o sa Tapat ng Aristocrat, ang dating 160 million MPN ay bumaba na sa 25.5 million MPN.
Pero nilinaw ng DENR na hindi pa rin ito pasok sa standard na 100 mpn para sa recreational activities gaya ng swimming at diving.
Tiwala ang kagawaran na patuloy pang bababa ang coliform level sa Manila bay.
Magbibigay din anya ang isang pribadong sektor ng mga sewage treatment plant para sa nasa 75 pamilya sa Brgy. 719 sa Pasay na walang maayos na palikuran.
Ulat ni Moira Encina