Pangulong Duterte, tuluyan nang ibinasura ang panukalang gawing ligal ang paggamit ng medical marijuana sa bansa

Ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing ligal ang paggamit ng medical marijuana.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nagbago ng posisyon ang Pangulo sa isyu ng legalisasyon ng medical marijuana sa bansa.

Ayon kay Panelo naniniwala ang Pangulo na baka samantalahin lamang ito ng mga sindikato ng iligal na droga.

Inihayag ni Panelo na kumbinsido din ang Pangulo na wala pang konklusibong medical study na makakatulong talaga ang marijuana sa mga may malubhang karamdaman.

Niliwanag ni Panelo na hanggat nakaupo sa puwesto ang Pangulo ay hindi niya susuportahan ang legalisasyon ng medical marijuana sa bansa.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *