DPWH nagsagawa ng roughness survey sa mga pangunahing lansangan sa buong bansa
Pinangangasiwaan ng DPWH ang pagsasagawa ng National Road Roughness Index Program III o NRRIP III sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, layunin ng programa na i-survey ang mahigit 12-libong kilometro ng lahat ng primary national roads sa buong bansa at secondary national roads sa NCR, Regions VI, VII, VIII sa Visayas; atRegions IX, XI, XII sa Mindanao.
Sinabi ng kalihim na ang nasabing roughness survey ang isa sa mga basehan sa pagtukoy ng mga priority projects ng DPWH.
Sa pamamagitan anya ng survey ay mababatid ang smoothness o roughness ng mga pangunahing kalsada sa bansa alinsunod sa International Roughness Index o IRI at makakatulong sa pagbuo ng rekomendasyon para mapabuti ang kalidad at kaligtasan ng mga lansangan.
Ang roughness survey ay isinasagawa sa pakikipagtulungan ng joint venture ng
Consultant, RoadKorea Inc. at Cybersoft Integrated Geoinformatics, Inc.
Nagdeploy ang DPWH at mga kumpanya ng survey vehicles na may special survey equipment gaya ng laser profilometer, distance measurement instrument, cameras, global positioning system at special laptop computers para sa aktibidad.
Ulat ni Moira Encina