Mahigit 800 milyong katao sa buong mundo…tinatayang may Kidney disease
Ipinagdiriwang ngayon ang World Kidney day.
Tema sa taong ito ay ” Kalusugan para sa lahat, Saanman…..Kailanman”.
Batay sa datos, nasa mahigit 800 milyong katao sa buong mundo ang may kidney disease.
Nasa dalawang milyon ang may Chronic Kidney Disease o CKD .
Ito ang pang-anim sa nakamamatay na sakit.
Dra. Imelda Edodollon, HICC Medical Director:
“Para po makaiwas sa sakit sa bato, marami po kasing klase ng sakit sa bato pwede po bato sa bato pwede po magkaroon tayo ng sakit sa bato na tinatawag na Kidney stone, para po maiwasan ang kidney stone kailangang uminom tayo ng maraming tubig, napakagandang gawin po nating tsaa ung tinatawag po nating sambong at banaba tea at sambong tea very very good for kidney stone also para makaiwas po tayo sa sapagkakaroon ng sakit sa bato, iwas po tayo sa pag inom ng pain reliever.”
Samantala, iba’t ibang aktibidad ang isasagawa na pangungunahan ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI.
Kabilang dito ang libreng laboratory exams, fasting blood sugar, libreng creatinine at urinalysis.
Bukod dito, magsasagawa din ng talk show na may paksang acute kidney injury at paano ito maiiwasan.
May photo contest din na isinagawa at sa araw na ito malalaman kung sino ang napili.
Ulat ni Belle Surara