Mga grupong bumabatikos sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC, binuweltahan ng Malakanyang
Inakusahan ng Malakanyang na mayroong grand conspiracy ang mga kalaban ng administrasyon para lalong siraan si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyong tuluyan ng kumalas ang Pilipinas sa Rome Statue na nagtatag ng International Criminal Court o ICC.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na biglang naging international law expert ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Panelo iisa ang tono ng mga politocal opposition, makakaliwang grupo at human rights advocate na pawang nagsasabi na dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay umiiwas si Pangulong Duterte sa pag-uusig ng ICC kaugnay ng mga kaso ng extra judicial killings at paglala pa ng human rights violations sa bansa.
Inihayag ni Panelo hindi kailanman sinusuportahan ng gobyerno ang extra judicial killings at paglabag sa karapatang pantao dahil patuloy na gumagana ang criminal justice system sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac