Kamara, handa nang makipag-negosasyon sa Senado; Isiningit na pork barrel sa 2019 budget, tatanggalin na umano

 

Handa na umanong i-withdraw ng Kamara ang kanilang inamyendahang bersyon ng 2019 National Budget.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, tumawag sa kanya si San Juan Representative Ronaldo Zamora para sabihing makikipagdayalogo ang Kamara at i-urong na anuman ang isiningit sa pambansang budget.

Senador Ping Lacson:

“Yesterday I received a call from Rep. Zamora. He said he was assigned by the HOR leadership to negotiate with the Senate counterpart. This happened after the meeting in Malacañang. The following day he gave me a call ang sabi niya baka pwede pagusapan. Ano ang way forward? Sabi ko sa kanya there’s no other way except for the HOR except to recall or withdraw your version of the enrolled bill. Effectively, that’s a mere scrap of paper because the SP has already stated many times hindi niya pipirmahan. So balewala yan.”.

Mula nang ratipikahan ng Kamara at Senado ang 3.7 trillion National Budget noong February 8, hindi pa ito naisusumite sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo.

Bago kasi iimprenta ang budget, nagsagawa pa umano ng dagdag bawas ang kamara kung saan nagrealigned umano ng tig 25 million sa mga kongresistang taga suporta ni House speaker Gloria arroyo.

Pero ayon kay Lacson, batay sa ibinigay na impormasyon ni Zamora, may  permiso na ang House leadeship na i-recall ang enrolled bill kung saan isiningit ang karagdagang 95 billion na pork barrel ng mga kongresista

Sinabi aniya ni zamora na hindi na aniya ipipilit ang inihabol nilang “itemization” at realignments ng lump sums.

Sa halip ipapaubaya na kay Pangulong Duterte ang pag veto sa pondo at saka na lamang magpapatibay ng supplemental budget ang dalawang Kapulungan sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *